_ngayon
^

PSN Palaro

Group C inilipat sa Jordan

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

FIBA Asia Cup Qualifiers

MANILA, Philippines — Dalawang grupo na lamang ang iho-host ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa FIBA Asia Cup Qualifiers sa Hunyo 16 hanggang 20 sa Clark, Pampanga.

Ito ay matapos ilipat ng FIBA ang mga laro sa Group C sa Amman, Jordan.

Nasa naturang grupo ang Guam, Hong Kong, New Zealand at Australia.

Ngunit nagwithdraw na ang New Zealand at Australia dahilan para Guam at Hong Kong na lamang ang darayo sa Jordan.

Naiwan sa Clark ang Group A at Group B.

Binubuo ang Group A ng Pilipinas, South Korea, Indonesia at Thailand habang nasa Group B naman ang China, Chinese-Taipei, Japan at Malaysia.

Magsisimula nang dumating sa linggong ito ang mga delegasyon kaya’t nakaalerto na ang buong SBP sa pagdating ng mga teams.

Tatlong laro ang pagdaraanan ng Gilas Pilipinas sa qualifiers kung saan isang panalo lamang ang kaila­ngan nito para maipormalisa ang pagpasok sa FIBA Asia Cup proper.

Haharapin ng Pinoy squad ang South Korea ng dalawang beses — sa Hunyo 16 at 20, at ang Indonesia sa Hunyo 18.

FIBA SAMAHANG BASKETBOL NG PILIPINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with