^

PSN Palaro

Clarkson magtuturo ng basketball skills

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — May pagkakataon ang mga bagitong basketball players na makasama sa online training camp si Filipino-American NBA star Jordan Clarkson ng Utah Jazz.

Idaraos ng Junior NBA Philippines ang isang basketball clinic sa Mayo 29 kung saan may tsansa ang mga bagitong players na masilayan si Clarkson.

Ibabahagi ni Clarkson ang malalim nitong karanasan sa mga kabataang nagnanais maging mahusay na basketball player sa susunod na henerasyon.

Kasama ni Clarkson sa programa si NBA prospect Jalen Green na naglaro kamakailan sa NBA G League kasama ang Ignite.

Ituturo nina Clarkson at Green ang ilang basic basketball skills na kaila­ngang matutunan ng mga kabataang nagsisimula pa lamang sa basketball.

Magkukuwento rin sina Clarkson at Green sa mga naging karanasan nito para maging mahusay na basketball players.

Nagawang maisingit ni Clarkson ang basketball clinic sa kabila ng pagiging abala nito sa NBA playoffs kung saan nakuha ng kanilang tropa ang top seeding sa Western Conference.

Naghahanda naman si Green para sa NBA Draft sa Hulyo.

Si Green ang isa sa itinuturing na pinakamainit na applicant sa taong ito. Hinuhulaang papasok ito sa Top 5 picks.

Maliban sa basketball clinic, magkakaroon din ang Junior NBA Philippines ng social media contest para makahanap ng 10 lalaki at 10 babae na lalahok sa Jr. NBA Asia Pacific Camp Online.

vuukle comment

JORDAN CLARKSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with