_ngayon
^
Ahanmisi pumirna na sa Hotshots
Binigyan ng Hotshots ang dating Adamson University standout ng dalawang taong kontrata ngunit hindi ibinigay kung ano ang nilalaman nito.
Philstar.com/Erwin Cagadas

Ahanmisi pumirna na sa Hotshots

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - May 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa wakas ay pumirma na ng kontrata si Jerrick Ahanmisi sa Magnolia Hotshots matapos ang mahigit dalawang buwang negosasyon.

Binigyan ng Hotshots ang dating Adamson University standout ng dalawang taong kontrata ngunit hindi ibinigay kung ano ang nilalaman nito.

Matagal din bago nagkasundo ang Hotshots at si Ahanmisi. Kinuha ng Magnolia si Ahanmisi bilang 10th pick overall sa PBA Annual Rookie Draft noong Marso 14.

Maganda ang rekord ni Ahanmisi sa kanyang huling paglalaro sa UAAP. May averages itong 13.07 points, 3.57 rebounds at 1.43 assists sa Soaring Falcons.

Tinulungan nito ang Adamson na makapasok ng tatlong beses sa Final Four.

Maliban kay Ahanmisi, binigyan ng Magnolia si Loren Brill ng isang taong kontrata.

Hindi nakuha ng Hotshots si Brill sa draft.

Galing ito sa NorthPort Batang Pier na siyang kumuha sa kanya bilang 26th overall pick.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with