_ngayon
^

Garcia naiinip na!

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - May 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naiinip na si dating world champion Mikey Garcia sa bagal ng takbo ng negosasyon sa planong laban nito kay eight-division world champion Manny Pacquiao.

Ayon kay Garcia, matagal nang buo ang plano ngunit hanggang sa nga-yon, wala pa ring inilalabas na desisyon ang kampo ng Pinoy champion.

Kaya naman nais nitong humanap na ng bagong makakalaban sa Hulyo o Agosto kung wala pa ring magiging pinal na desisyon ang grupo ni Pacquiao.

“We started develo­ping a good idea, a plan, a proposal, but it hasn’t really happened. Nothing solid. So, if that’s the case, I’m ready to move on and search for another fight, possibly to get a fight in July, August,” ani Garcia sa panayam ng Boxing News.

Matapos maudlot ang plano sanang laban kay Te­rence Crawford, si Garcia na ang pinakamainit na pangalang lumulutang para sa susunod na laban ni Pacquiao.

Naglabas pa ng teaser ang business manager ni Pacquiao na si Arnold Vegafria para sa Pacquiao-Garcia fight sa Agosto na gaganapin sa Dubai, Uni­ted Arab Emirates.

Subalit wala pang opis­yal na anunsiyo ang Team Pacquiao.

Ilang bagay ang ipinunto ni Garcia sa mga posibleng dahilan ng pagkakaantala.

Isa na rito ang iba’t ibang advisers ni Pacquiao na may iba’t iba ring opinyon.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with