^

PSN Palaro

PLDT sa Tagaytay nagsasanay

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
PLDT sa Tagaytay nagsasanay
Nagsimula na ang 14-day training camp ng Power Hitters sa Splendido Hotel sa Alfonso, Tagaytay na matatapos sa Mayo 22.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Nagsimula na rin ang puspusang ensayo ng PLDT Home Fibr para lubos na maihanda ang koponan nito para sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference.

Nagsimula na ang 14-day training camp ng Power Hitters sa Splendido Hotel sa Alfonso, Tagaytay na matatapos sa Mayo 22.

“Malaking bagay ito kasi matagal na kaming hindi nag-prapractice. Nag-practice na nga kami, dalawang araw nga lang dahil nag-ECQ,” ani Power Hitters head coach Roger Gorayeb.

Matatandaang nakapag-ensayo na ang Po­wer Hitters sa Paco Arena sa Manila City subalit natigil ito matapos ilagay ang NCR plus bubble sa ECQ at MECQ. Balik na sa GCQ ang NCR plus bubble.

Pasok sa training bubble ang bagong recruits ng Power Hitters na sina Rhea Dimaculangan, Isa Molde, Marist Layug, Eli Soyud, Chin Basas, Yeye Gabarda at Nieza Viray.

Kasama nila sina holdovers Shola Alvarez, Jorelle Singh, Aiko Urdas, Joyce Sta. Rita, Vira Guillema, Kath Villegas at Alyssa Eroa.

Ang PLDT ang ikatlong PVL team na sumalang na sa ensayo.

Nauna na ang Creamline at Choco Mucho noong Abril 27 sa Pampanga.

“Nag-worry ako kasi ‘yung ibang team nag-start na. Mayroon sa Subic at sa Clark. Nag-push talaga ako kay Sir Bajjie (Del Rosario, PLDT team manager) kasi naiiwan na tayo,” ani Gorayeb.

Nais ni Gorayeb na pagpagpagin ang kalawang ng mga players na mahigit isang taon nang hindi nakapaglalaro ng aktuwal na volleyball games.

vuukle comment

PLDT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with