Karate Pilipinas nagpasalamat sa suporta ng PSC
MANILA, Philippines — Nagpasalamat ang Karate Pilipinas sa solidong suportang ibinigay ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa pagsasanay ng national karatedo team sa Istanbul, Turkey.
Dumating kamakalawa ng gabi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mga national karatekas mula sa training camp sa Istanbul na nagsimula noong Marso 15.
“Thank you PSC and the staff that arrange the welcome home salubong for our athletes,” ani Karate Pilipinas president Richard Lim sa suporta ni PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez sa gitna ng kinakaharap na pandemya.
Ang nasabing training camp sa Istanbul, Turkey ay bilang preparasyon ng national karatedo squad sa lalahukang qualifying tournament para sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.
Nakatakda ang World Olympic qualifier sa Hunyo 11 hanggang 13 sa Paris, France.
Pamumunuan nina 2019 Southeast Asian Games gold medalists Junna Tsukii at Jamie Lim ang national karatedo team kasama sina 2019 SEA Games bronze winner Joanne Orbon, Sharief Afif, Ivan Agustin at Alvin Bactican.
- Latest