_ngayon
^
Coo tatarget din ng Olympic slot sa UCI World Cup sa Bogota
Patrick Coo
Instagram

Coo tatarget din ng Olympic slot sa UCI World Cup sa Bogota

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - May 16, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kagaya ng iba pang national athletes, ibibigay din ni national BMX rider Patrick Coo ang lahat ng kanyang makakaya para makapag-uwi ng tiket sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.

“Dreams don’t work unless you work for it,” wika ng 19-anyos na si Coo na kasalukuyan nang nagku-quarantine sa Bogota, Colombia para sumabak sa International Cycling Union (UCI) World Cup Round 4 Olympic qualifier sa Mayo 30.

Hangad ni Coo, ang amang si Benjamin ay taga-Iloilo at ang inang si Romalyn ay mula sa Cagayan de Oro City, na maging pang-siyam na Pinoy qualifier sa Tokyo Olympics.

Ang walo ay sina 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist Hidilyn Diaz, rower Cris Nievarez, pole vaulter Ernest John Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo at boxers Eumir Felix Marcial, Irish Magno, Nesthy Petecio at Carlo Paalam.

Para makapadyak ng Olympic ticket ay kaila­ngang tumapos si Coo, nakabase sa Bellflowere, California, sa top four sa qualifying tournament sa Colombia.

“We’re chasing the dream right now and the dream is the goal,” sabi ni Coo, ang 2019 Asian BMX juniors champion.

Hindi nakasama ni Coo sa Olympic qualifying meet si London 2012 Olympian Daniel Caluag na kasalukuyang frontliner nurse sa Kentucky.

BMX
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with