_ngayon
^
PBA teams hihirit ng training sa NCR plus bubble
PBA commissioner Willie Marcial
STAR/ File

PBA teams hihirit ng training sa NCR plus bubble

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - May 16, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Anim na PBA teams ang magtatangkang makapag-ensayo sa training venue na nasa loob ng NCR plus bubble na kasalukuyan nang nasa General Community Quarantine (GCQ).

Ayon kay PBA commissioner Willie Marcial, ilang teams na ang humingi ng endorsement sa liga para humingi ng pahintulot sa mga local government units (LGU) na nakakasakop sa kanilang training venue.

Sinabi pa ni Marcial na kailangan lamang na pumayag ng LGU at sumunod sa sariling patakaran na ipinatutupad nito at ang health protocols na nakasaad sa Joint Administrative Order ng Games and Amusements Board, Philippine Sports Commission at Department of Health.

Malalaman sa susunod na linggo kung papayag ang mga LGUs.

Hindi binanggit ni Marcial kung anong mga teams at kung saang LGUs ang target na pagdausan ng kanilang training.

Mula sa mahigpit na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ), ibinaba na sa GCQ ang NCR plus bubble simula kahapon.

“Everyone’s happy hearing the news of Metro Manila shifting to GCQ. Kailangan na lang nila ng LGU permit, and Metro Manila training is a go,” ani Marcial sa PBA.PH.

Kamakailan lamang ay pinayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang PBA teams na makapagsanay sa GCQ at MGCQ areas.

Subalit nilinaw ng GAB na bagama’t nasa GCQ na, nasa “heightened res­trictions” pa ang NCR plus bubble upang maiwasang muling tumaas ang bilang ng mga tinatamaan ng coronavirus disease (COVID-19).

Kaya naman nakasalalay na sa LGUs ang pagdedesisyon kung pahihintulutan nito ang ilang PBA teams na makapagasanay sa kanilang nasasakupan.

Ayaw munang isipin ni Marcial ang target date na June 15 para sa opening ng PBA Season 46 Philippine Cup.

Nais muna nitong pagtuunan ng pansin ang trai­ning at scrimmages ng mga teams dahil ang tagumpay nito ang magi­ging basehan kung papayagan ng IATF ang opening ng liga sa susunod na taon.

GCQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with