_ngayon
^
Curry, Embiid inakay ang 76ers  Top seed sa east playoffs
Seth Curry
JESSE D. GARRABRANT / NBAE

Curry, Embiid inakay ang 76ers Top seed sa east playoffs

(Pilipino Star Ngayon) - May 16, 2021 - 12:00am

NEW YORK, — Tuluyan nang inangkin ng Philadelphia 76ers ang No. 1 seed sa Eastern Conference playoffs matapos talunin ang sibak nang Orlando Magic, 122-97.

Tumipa si Seth Curry ng 20 points habang kumolekta si Joel Embiid ng 13 markers at 11 rebounds para ibigay din sa 76ers (48-23) ang home-court advantage sa playoffs.

Umiskor ang Philadelphia ng 39 points sa kabuuan ng second period at nilimitahan ang Orlando (21-50) sa 19 markers patungo sa kanilang panalo.

Sa Washington, ipinoste ni Russell Westbrook ang kanyang NBA record na ika-183 career triple-double sa 120-105 paggupo ng Washington Wizards (33-38) sa talsik nang Cleveland Cavaliers (22-49).

Tumapos si Westbrook na may 21 points, 17 assists at 12 rebounds para sa kanyang league-lea­ding na ika-37 triple-double ngayong season at ipasok ang Wizards sa play-in tournament sa East.

Napasama rin si Westbrook kina Hall of Fa­mers John Stockton at Isiah Thomas bilang tanging mga players na nagtala ng 15 assists sa pitong sunod na laro sa NBA history.

Sa Dallas, nagposte si Luka Doncic ng triple-double na 20 points, 10 rebounds at 11 assists sa 114-110 panalo ng Mavericks (42-29) sa sibak nang Toronto Raptors (27-44) para umabante sa playoffs sa West.

Sa Oklahoma City, tumipa si Bojan Bogdanovic ng 22 points sa 109-93 pagdaig ng Utah Jazz (51-20) sa sibak nang Thunder (21-50) para makalapit sa No. 1 spot sa Western Conference playoffs.

Sa Detroit, dumikit ang Denver Nuggets (47-24) sa mas mataas na playoff seed nang kunin ang 104-91 tagumpay sa talsik nang Pistons (20-51)

PHILADELPHIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with