_ngayon
^

Game plan ni Donaire inihahanda na

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - May 16, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ikinakasa na ni four-division world champion Nonito Donaire Jr. ang magiging armas nito laban kay reigning World Boxing Council (WBC) bantamweight champion Nordine Oubaali.

Magkukrus ang landas nina Donaire at Oubaali sa Mayo 29 (Mayo 30 sa Maynila) sa Dignity Health Sports Park sa Carson, California.

At desidido si Donaire na maagaw ang WBC belt ng French boxer upang magbalik ang ningning sa pangalan nito.

“Let me just be clear: I am snatching that WBC belt come May 2021,” ani Donaire.

Ngunit hindi ito magiging madali para kay Donaire dahil undefeated fighter si Oubaali na may malalim din na karanasan.

Kaya naman puspusan na ang paghahanda ni Donaire para masigurong handang-handa ito bago sagupain ang WBC champion.

Ingat na ingat din si Donaire sa mga health protocols para maiwasan ang coronavirus disease (COVID-19).

Mahigpit ang ipinatutupad na patakaran ng kampo ni Donaire na regular na nagsasagawa ng swab testing.

Sa wakas ay matutuloy na ang laban nina Donaire at Oubaali.

WBC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with