_ngayon
^
PBA training pwede na sa NCR plus bubble
Coach Norman Black
PBA media bureau

PBA training pwede na sa NCR plus bubble

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - May 15, 2021 - 12:00am

GCQ sisimulan ngayong araw

MANILA, Philippines — Makakapag-ensayo na ang mga PBA teams sa NCR plus bubble matapos itong ilagay sa General Community Quarantine (GCQ) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Mismong ang punong ehekutibo ang nag-anunsiyo ng bagong estado ng NCR plus bubble na binubuo ng Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna at Bulacan na magsisimula ngayong araw at tatagal hanggang sa Mayo 31.

Kamakailan lamang ay pinayagan na ng Inter-Agency Task Force na magsagawa ng training at scrimmages ang PBA teams sa mga lugar na nasa GCQ at Modified GCQ.

Gayunpaman, nauna nang inihayag ni PBA commissioner Willie Marcial na nais muna nitong linawin sa IATF ang lahat upang walang maging aberya sa pagsasanay ng mga koponan.

“Yun ang ikaklaro ko. Kunwari binaba na sa GCQ ang Metro Manila, puwede na ba sa Metro Manila or puwede na sa Rizal? Pag puwede yung dalawa na ‘yun, malamang doon tayo magpapractice,” ani Marcial kamakailan.

Kung matutuloy ito, panibagong proseso ang pagdaraanan ng mga PBA teams dahil kaila­ngan munang makakuha ng clearance mula sa local government unit (LGU) na pagdarausan ng ensayo.

Dapat ay nakalinya rin ang health protocols sa trai­ning camp sa mga patakaran na ipinatutupad ng LGU.

Ilan sa mga tinatarget na practice venue na nasa NCR plus bubble ang Ynares Sports Center sa Antipolo at ang Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Gayunpaman, posibleng ituloy muna ang ensayo ng mga PBA teams sa kani-kanyang nauna nang napagkasunduang venues habang pinaplantsa pa ang pagdaraos ng training sa NCR plus bubble areas.

Kasado na ang training venues sa Batangas at Ilocos Norte habang ang ibang koponan ay nagpahayag na nais magsanay sa Subic at Clark.

Ang Meralco Bolts ang pinakaunang lalarga matapos makumpleto ang mga requirements kabilang na ang swab testing. Nakabantay ang PBA sa ensayo ng bawat team upang masiguro na sumusunod ang lahat sa health protocols.

Mahigpit ang liga sa pagpapatupad ng panuntunan upang wala nang magiging aberya pa at tuluy-tuloy na masimulan ang PBA Season 46 Philippine Cup sa Hunyo. 

GCQ PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with