_ngayon
^
Abando, Nonoy target isama sa Gilas pool
Maliban kina Abando at Nonoy, plano rin ni Baldwin na ibalik sa pool si University of the Philippines standout Juan Gomez de Liaño.
File

Abando, Nonoy target isama sa Gilas pool

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - May 15, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawa pang matitikas na collegiate stars ang puntirya ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) program director Tab Baldwin na maisama sa Gilas Pilipinas pool.

Ito ay sina Rhenz Abando ng Colegio de San Juan de Letran at Mark Nonoy ng De La Salle University na parehong galing sa University of Santo Tomas.

Maliban kina Abando at Nonoy, plano rin ni Baldwin na ibalik sa pool si University of the Philippines standout Juan Gomez de Liaño.

Maganda ang ipinamalas nina Abando at Nonoy sa UAAP Season 82.

Bahagi ito ng Growling Tigers na nakapasok sa finals.

Sa naturang season, nagtala si Abando ng ave­rages na 11.71 points, 5.29 rebounds at 1.29 blocks kada laro habang mayroon namang 11.3 points, 4.0 rebounds at 2.9 assists si Nonoy para tanghaling Rookie of the Year.

“We are looking at pla­yers like Mark Nonoy and Rhenz Abando as well. Expanding and bringing in more talent. As long as players are available, when we have to expand the pool, that’s what we are going to do,” ani Baldwin sa Zoom In.

Sa kabilang banda, pinatunayan ni Gomez de Liaño na karapat-dapat ito sa pool nang umiskor ito ng 12.0 points, 3.0 rebounds at 3.0 assists sa tatlong laro nito sa FIBA Asia Cup Qualifiers.

SAMAHANG BASKETBOL NG PILIPINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with