_ngayon
^

PSC sinuportahan ang pagsabak ng grupo ni Marcial sa Dubai boxfest

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - May 15, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inaprubahan ng Phi­lippine Sports Commission (PSC) ang pagsabak ng mga national boxers sa ASBC Asian Boxing Championships na idaraos sa Dubai, United Arab Emirates.

Babanderahan ni Olympic Games-bound middleweight Eumir Felix Marcial ang kampanya ng Association of Boxing Alliances in the Philippines, Inc. (ABAP) sa nasabing torneo na nakatakda sa Mayo 21 hanggang H­unyo 1.

Orihinal na itinakda ang ASBC sa New Delhi, India, ngunit dahil sa paglobo ng kaso ng mga nagpopositibo sa coronavirus disease (COVID-19) ay hindi i­naprubahan ng PSC ang request ng ABAP.

Dahil dito ay napilitan ang Asian Boxing Confe­deration na ilipat ang torneo sa Dubai.

Pondong P2 milyon ang ibinigay ng PSC sa ABAP para sa airfare, accommodation, allowance, visa fee at insurance bukod pa sa dagdag na P714,750 para sa quarantine expenses ng mga national boxers.

Hindi isinama ng ABAP sa Dubai meet sina Olympic-bound Irish Magno, Nesthy Petecio at Carlo Paalam.

Bukod kay Marcial (75-kilogram), ang iba pang miyembro ng national men’s team ay sina Junmilardo Ogayre (56kg), Mark Lester Durens (49kg), Marvin Tabamo (52kg), Jere Samuel Dela Cruz (60kg) at John Paul Pa­nuayan (60kg).

Sina AIBA Women’s World Boxing Championships gold medalist Josie Gabuco (48kg) si Maricel Dela Torre (60kg) ang sasabak naman sa women’s division.

EUMIR FELIX MARCIAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with