_ngayon
^
Clarkson pinayuhan si Sotto
Jordan Clarkson
AFP

Clarkson pinayuhan si Sotto

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - May 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — May payo si Utah Jazz star Jordan Clarkson kay Kai Sotto na nangangarap makapasok sa NBA.

Ayon kay Clarkson, ituloy lang ng 7-foot-3 Pinoy cager ang pagsusumikap nito sa ensayo.

Kailangang ibuhos nito ang lahat upang lumabas ang tunay na bagsik ng kanyang paglalaro.

Maganda rin ang pagsalang nito sa National Basketball League (NBL) sa Australia upang mas lalo pang mahasa ang abilidad nito sa paglalaro.

“I just want to tell him to go out there. Work hard, don’t put any limits on yourself,” payo ni Clarkson kay Sotto.

Habang nasa NBL ito, tiyak na mas lalong lalalim ang kanyang karanasan at mas magiging matatag ito para sa mas malaking laban na kanyang haharapin sa NBA.

Hindi naman aniya ma­wawala ang NBA dahil nariyan lamang ito.

Kailangan lang ni Sotto na maging lubos na handa bago sumabak sa mas malaking hamon na nais nito — ang pinapangarap na NBA dream.

“And just put the time and keep grinding, the NBA is gonna be there,” dagdag ni Clarkson.

Pumirma ng tatlong taong kontrata si Sotto sa Adelaide 36ers kung saan may option itong kumalas o ipagpatuloy ang kanyang kontrata sa third year nito.

Maglalaro sana si Sotto para sa Ignite sa NBA G League.

Naudlot ang pagsabak nito noong Marso matapos mahuli sa pagpasok sa bubble sa Florida.

Bumalik ng Pilipinas si Sotto para makasama sa training camp ang Gilas Pilipinas.

Ngunit nang bumalik na ito sa Amerika, hindi na ito nakapasok pa sa bubble at tuluyan nang tinuldukan ang ugnayan nito sa Ignite.

Maayos naman na naghiwalay ang Ignite at si Sotto.

NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with