_ngayon
^
Thirdy tumugon sa PBA
Thirdy Ravena
STAR/ File

Thirdy tumugon sa PBA

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - May 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sumulat na si Thirdy Ravena sa pamunuan ng PBA upang ipaliwanag ang desisyon nitong muling maglaro para sa San-En NeoPhoenix sa Japan B.League.

Sariwa pa si Ravena sa pagpirma ng multi-year contract kasama ang NeoPhoenix na magiging dahilan upang hindi ito makalahok sa PBA Rookie Draft sa ikalawang sunod na taon.

Kinumpirma ni PBA commissioner Willie Marcial ang naging aksyon ni Ravena.

Nagawa rin nitong makausap ang dating UAAP Finals MVP na nananatili sa Japan.

Sa kuwento ni Marcial, nais patunayan ni Ra­vena ang sarili nito sa liga matapos makailang ulit na magkaaberya ang kanyang pag­lalaro sa Japan B.League.

Tanging 18 laro lamang nasilayan si Ravena.

Kaya naman, nais ni Ravena na bumalik sa susunod na season na ma­lakas at walang anumang aberya para patunayan ang kanyang husay.

Masaya naman si Marcial sa career ni Ravena dahil bitbit pa rin nito ang bandila ng Pilipinas sa pag­lalaro nito sa Japan.

Mananatiling bukas ang pintuan ng PBA sa oras na magdesisyon si Ravena na pumasok na sa liga.

THIRDY RAVENA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with