_ngayon
^

PRA maglalagay ng training center sa Cavite

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - May 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ang pagkakapasok ni national rower Cris Nievarez sa 2021 Olympic Games ang magpapaningas sa grassroots development program ng Philippine Rowing Association (PRA).

Balak ni PRA president Patrick Gregorio na maglagay ng training center sa Maragondon River sa Ternate, Cavite para sa mga batang gustong mapasama sa national training pool.

“Magpapatulong tayong magpatayo diyan (Maragondon River) ng training center for our grassroots development,” wika ni Gregorio sa kanilang plano.

Nagsasanay ang national rowing team, kasama si Nievarez, sa La Mesa Dam sa Quezon City.

Ang 5-foot-11 na si Nievarez, tubong Atimonan, Quezon, ang pang-walong Pinoy athlete na sasabak sa 2021 Olympics na gagawin sa Tokyo, Japan sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

Si Benjie Tolentino ang pinakahuling national rower na sumagwan sa Olympics noong 2000 sa Sydney, Australia.

Makakasama niya sa kampanya sa Tokyo sina 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist Hidilyn Diaz, pole vaulter Ernest John Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo at boxers Eumir Felix Marcial, Irish Magno, Nesthy Petecio at Carlo Paalam.

PRA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with