_ngayon
^
PBA training sa NCR plus bubble malabo pa?
Ayon kay Ranjit Rye ng OCTA Research group, maganda ang resulta ng MECQ dahil isa ito sa dahilan ng unti-unting pagbaba ng kaso ng coronavirus di­sease (COVID-19) sa bansa.
STAR/ File

PBA training sa NCR plus bubble malabo pa?

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - May 12, 2021 - 12:00am

MECQ posibleng ma-extend...

MANILA, Philippines — Mukhang malabo pang makapag-ensayo ang PBA teams sa NCR plus bubble dahil posibleng irekomenda ng Octa Research Team ang extension ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa oras na matapos ito sa Mayo 14.

Ayon kay Ranjit Rye ng OCTA Research group, maganda ang resulta ng MECQ dahil isa ito sa dahilan ng unti-unting pagbaba ng kaso ng coronavirus di­sease (COVID-19) sa bansa.

Kaya naman posibleng irekomenda nito sa Inter-Agency Task Force (IATF) na i-extend ang MECQ sa NCR plus bubble.

“This is why it might be prudent to consider an (MECQ) extension at this point. The key here is to have a gradual exit—whatever the government calls it—a gradual exit from the quarantine so as not to reverse the trend. The trend can easily reverse,” ani Rye.

At kung mae-extend ang MECQ, walang magagawa ang PBA teams kundi ituloy ang training at scrimmages nito sa labas ng NCR plus bubble.

Tanging sa General Community Quarantine (GCQ) at Modified General Community Quarantine (MGCQ) lamang maaaring makapagsagawa ng ensayo ang PBA teams base sa ibinigay na pahintulot ng IATF noong nakaraang linggo.

Hindi naman ito problema sa PBA dahil kasado na ang ensayo ng mga PBA teams sa iba’t ibang training venues gaya ng Batangas, Subic, Clark at Ilocos Norte.

Kailangan na lamang na mapinalisa ang mga matinding health protocols na ipatutupad bago magsimula ang ensayo ng bawat teams.

MECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with