_ngayon
^
Portland pinatibay ang kapit sa playoffs
Damian Lillard
JESSE D. GARRABRANT / NBAE

Portland pinatibay ang kapit sa playoffs

(Pilipino Star Ngayon) - May 12, 2021 - 12:00am

PORTLAND, Ore., Philippines — Humataw si Damian Lillard ng 34 points para igiya ang Trail Blazers sa 140-129 pagpapasabog sa talsik nang Houston Rockets.

Hindi natinag ang Portland (40-20) sa No. 6 spot sa Western Conference para palakasin ang kanilang tsansa sa playoffs kasabay ng pag-iwan sa nagdedepensang Los Angeles La­kers (38-30) sa No. 7.

Iniiwasan ng Trail Bla­zers at Lakers na maglaro sa play-in tournament kung saan pag-aagawan ng No. 7 at No. 8 teams ang 7th seeding sa playoffs at ang matatalo ang haharap sa mananaig sa pagitan ng No. 9 at No. 10 squads at pag-agawan ang 8th seeding.

Makukuha ng Portland ang playoff spot sa West kapag nawalis ang huli nilang tatlong laban sa mga playoff-bound na Utah Jazz (50-19), Phoenix Suns (48-20) at Denver Nuggets (44-24).

Ang isang kabiguan ng Trail Blazers at ang panalo ng Lakers sa huli nilang apat na laban ang magbibigay sa tropa ni LeBron James ng No. 6 playoff spot.

Sa San Francisco, sinikwat ng Golden State Warriors (36-33) ang play-in ticket sa West nang ilusot ang 119-116 tagumpay.

Sa Memphis, sinakmal ng Grizzlies (35-33) ang New Orleans Pelicans (31-38) sa 115-110 panalo papasok sa play-in tournament sa West.

Sa Atlanta, binasag ni Russell Westbrook ang 47-year-old NBA record ni Oscar Robertson para sa triple-doubles subalit naimintis ang potensyal na game-winning triple sa 124-125 pagkatalo ng Washington Wizards (32-37) sa Hawks (38-31).

Itinala ni Westbrook ang kanyang ika-182 triple-double matapos hablutin ang rebound sa 8:29 minuto ng fourth quarter.

TRAIL BLAZERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with