_ngayon
^
Ravena may bagong kontrata sa San-En
Thirdy Ravena
Japan B. League

Ravena may bagong kontrata sa San-En

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - May 12, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos ang masaklap na kampanya sa season na ito dahil sa ilang aberya, may pagkakataon pa si Thirdy Ravena na makabawi sa Japan B.League matapos i-renew ng San-En NeoPhoenix ang kontrata nito.

Binigyan ng multiple-year contract si Ravena ni NeoPhoenix President/CEO Kenjiro Hongo dahil naniniwala ito sa kakayahan ng Pinoy cager.

“He brought overwhelming power and a bright future to our club. As a result, I don’t think I was satisfied, but he adapted to life in Japan and as a professional player. There are only great expectations for his further growth with our team,” ani Hongo.

Sa kanyang unang season sa Japan B.League, nagtala ito ng averages na 9.1 points, 3.6 rebounds, 1.6 assists, 0.7 steals at 0.2 blocks kada laro.

Makailang beses din itong dumaan sa pagsubok matapos magkaproblema sa visa, tamaan ng coronavirus disease (COVID-19) at magtamo ng injury.

“His aggressive play is something no one else can imitate. I am confident that his aggressive play will be a problem for years to come, leading the team to victory,” ani NeoPhoenix general manager Hideki Higashi.

Malaki naman ang pasasalamat ni Ravena sa tiwang ibinigay sa kanya ng NeoPhoenix at handa itong ilabas ang lahat ng makakaya nito sa oras na muling sumalang ang kanilang tropa.

THIRDY RAVENA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with