_ngayon
^

Fortea lumipat sa UP

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - May 12, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagpasya si National University (NU) high school standout  Terrence Fortea na dalhin ang kanyang talento sa kampo ng University of the Philippines (UP).

Isa si Fortea sa mga produkto ng NU basketball program.

Bahagi ito ng National University Nazareth School kung saan tinulungan nito ang Bullpups na magkampeon ng dalawang beses sa UAAP.

Mayroong averages na 15.38 points, 2.63 rebounds, 2.56 assists at 1.13 steals si Fortea noong UAAP Season 82 juniors basketball tournament.

Naging bahagi na rin si Fortea ng Gilas Youth na nasilayan sa aksyon sa FIBA Under-17 Asia Cup, Under-18 World Cup, Under-19 World Cup.

Mismong si Fighting Maroons backer Gov. Jonvic Remulla ang nagkumpirma ng paglipat ni Fortea sa Katipunan-based squad.

Si Fortea ang ikatlong Bullpup na lumipat sa Fighting Maroons. Nauna na sina Carl Tamayo at Gerry Abadiano.

Makakasama ng mga bagong recruits sina Ricci Rivero, Joel Cagulangan, RC Calimag at CJ Cansino na galing naman sa University of Santo Tomas.

UP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with