^

PSN Palaro

Garcia tutumba kay Pacquiao!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Garcia tutumba kay Pacquiao!
Ito ang pananaw ni strength and conditioning expert Justin Fortune kung matutuloy ang planong pagtutuos nina Pacquiao at Garcia sa Hulyo o Agosto sa Dubai, United Arab Emirates.
Wendell Rupert Alinea/MP Promotions

Kung matutuloy ang laban...

MANILA, Philippines — Hindi tatagal si dating world champion Mikey Garcia sa ibabaw ng ring sa oras na makasagupa nito si eight-division world champion Manny Pacquiao.

Ito ang pananaw ni strength and conditioning expert Justin Fortune kung matutuloy ang planong pagtutuos nina Pacquiao at Garcia sa Hulyo o Agosto sa Dubai, United Arab Emirates.

Ipinagmalaki pa ni Fortune na kayang-kaya ni Pacquiao na patumbahin si Garcia sa kabila ng malayong agwat ng edad ng mga ito.

Nasa 33-anyos pa lamang si Garcia habang 42-anyos na si Pacquiao.

“Manny will knock Mikey (Garcia) out,” ani Fortune sa panayam ng World Boxing News.

Alam ni Fortune na ma­lakas at mabilis din si Garcia ngunit iba ang bagsik ng kamao ni Pacquiao na nasilayan na ng buong mundo sa mga nakalipas na laban nito.

“Mikey’s fast and robust. He’s not as big as (Errol) Spence. But Manny’s a different animal. It’ll be a tune-up for Manny,” ani Fortune.

Maagang nagsimula sa training si Pacquiao na noong Pebrero pa nagsasanay para sa laban.

Sa kabila ng kanyang trabaho bilang Senador, nagagawa pa rin ng Pinoy pug na makapag-workout sa kanyang tahanan o kaya naman sa kanilang sariling gym.

Inaasahang ihahayag ng kampo ni Pacquiao ang opisyal na pangalan ng kanyang susunod na makakalaban sa mga susunod na araw.

Ayaw nitong pangunahan ang Paradigm Sports na siyang humahawak sa kanyang boxing career.

Kamakailan, nauna nang nag-post ng teaser si Arnold Vegafria - ang business manager ng Pinoy champion — ng Pacquiao-Garcia fight sa kanyang Instagram account.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with