_ngayon
^
Utah Jazz umabot na sa 50-wins
Dinuplika ni Georges Niang ang kanyang career high na 24-points para sa 5-0 record ng Jazz (50-18) sa kanilang homecourt habang may 21 at 20 markers sina Fil-Am Jordan Clarkson at Bojan Bogdanovic, ayon sa pagkakasunod.
STAR/ File

Utah Jazz umabot na sa 50-wins

(Pilipino Star Ngayon) - May 10, 2021 - 12:00am

SALT LAKE CITY — Ipinoste ng Utah Jazz ang kanilang pang-50 panalo matapos patumbahin ang Houston Rockets, 124-116 para patuloy na pamunuan ang Western Conference at ang NBA.

Dinuplika ni Georges Niang ang kanyang career high na 24-points para sa 5-0 record ng Jazz (50-18) sa kanilang homecourt habang may 21 at 20 markers sina Fil-Am Jordan Clarkson at Bojan Bogdanovic, ayon sa pagkakasunod.

Tumipa si Niang ng 10 points sa third quarter at ang kanyang three-pointer sa hu-ling 2:50 minuto ang nagbaon sa Rockets (16-52) sa 96-75.

Sa Philadelphia, dumiretso ang 76ers (47-21) sa kanilang pang-walong sunod na panalo matapos kunin ang 118-104 win sa Detroit Pistons (20-48) sa likod ng 29 points ni Joel Embiid.

Sa Denver, humataw si Kevin Durant ng 33 points, kasama ang limang free throws sa huling 21 segundo, sa 125-119 pagresbak ng Brooklyn Nets (44-24) sa Nuggets (44-24).

Sa Portland, kumamada si Damian Lillard ng 30 points para banderahan ang 124-102 tagumpay ng Trail Blazers (39-29) sa San Antonio Spurs (32-35) at makalapit sa isang outright playoff spot.

UTAH JAZZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with