_ngayon
^
Garcia makikipag-ayos kay Pacquiao
Mikey Garcia
PBC photo

Garcia makikipag-ayos kay Pacquiao

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - May 10, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inaasahang susulpot sa Pilipinas si four-division world champion Mikey Garcia anumang araw upang tuluyan nang maiselyo ang planong mega fight nito kay Manny Pacquiao.

Kalat na sa social media ang video ni Garcia kung saan sinabi niyang target nitong lumipad sa Pilipinas para pormal na makausap ang kampo ni Pacquiao.

“Big shoutout to all my Filipino fans. I love you guys. I love the support that you have always given me. We hope to see you soon,” ani Garcia.

Sa katunayan, posibleng kasado na ang bakbakang Pacquiao-Garcia kung saan isang pormal na announcement na lamang ang hinihintay.

Matatandaang naging hot topic ang teaser ni Arnold Vegafria ng Pacquiao-Garcia fight sa kanyang Instagram na inaasahang idaraos sa Dubai, United Arab Emirates sa Hulyo o Agosto.

Mismong si Pacquiao na rin ang nagsabi na may negosasyong nagaganap para sa laban subalit hindi muna nito pinangalanan ang kanyang makakaharap.

Ayaw ni Pacquiao na pangunahan ang Paradigm Sports-- ang humahawak sa boxing career ng Pinoy champion. Ayon sa Paradigm, ito ang opisyal na mag-aanunsiyo sa susunod na laban ni Pacquiao.

Kaya naman mainit ang usapan ng mga boxing analysts na posibleng hinihintay lamang si Garcia bago pormal na i-anunsiyo ang laban.

“I wanna come over there, visit, and maybe we can do something big, maybe we can do something with Manny, finally. Thank you guys,” ani Garcia.

Matagal nang nasa radar ng Team Pacquiao si Garcia. Nagulo lamang ang plano sa Pacquiao-Garcia fight nang umeksena ang pangalan ni reigning World Boxing Organization (WBO) welterweight champion Terence Crawford.

Plano sana ang Pacquiao-Crawford fight sa Hunyo sa Abu Dhabi subalit gumuho ito dahil sa kawalan ng sponsor kaya balik ang negosasyon kay Garcia.

Halos dalawang taon nang bakante si Pacquiao.

Huli itong sumalang noong 2019 nang gapiin nito si Keith Thurman via split decision para maagaw ang World Boxing Association (WBA) welterweight belt.

Kalaunan, binawi ng WBA ang naturang belt kay Pacquiao dahil sa “inactivity” nito sa nakalipas na taon bunga ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

MANNY PACQUAIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with