_ngayon
^
Lalong maghihigpit ang PBA
Naglatag ng matinding parusa ang PBA upang masiguro na susunod ang lahat sa patakarang ipatutupad ng liga na na-kabase sa panuntunan ng Inter-Agency Task Force (IATF).
STAR/ File

Lalong maghihigpit ang PBA

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - May 9, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Binalaan ng PBA ang sinumang lalabag sa health protocols na ipatutupad sa kanya-kanyang training at scrimmages ng mga PBA teams.

Nakaabang ang mabigat na parusa kabilang na ang P100,000 multa at 10 araw na suspensiyon sa mga violators.

Naglatag ng matinding parusa ang PBA upang masiguro na susunod ang lahat sa patakarang ipatutupad ng liga na na-kabase sa panuntunan ng Inter-Agency Task Force (IATF).

“Lalakihan natin ‘yan. Hindi lalayo diyan ‘yung penalties natin sa Clark na P100,000. Suspension for 10 days. Malaki ‘yan .. kasi gusto nga natin maging successful,” ani PBA commissioner Willie Marcial.

Nais ni Marcial na ma-ging magandang ehemplo ang PBA sa pagsunod sa regulasyon ng gobyerno upang tularan ito ng iba pang liga at ng mismong mamamayan.

“Hindi naman para sa kanila lang ‘to. Para sa kapwa nila players, teammates, kasama sa team, pamilya nila at sa pamilya rin ng mga team members nila. Sana maintindihan nila,” wika pa ni Marcial.

Para mabantayan ang mga players, coaches at staff, gagamit ang PBA ng mobile app upang matunton ang galaw ng lahat.

Ang sinumang lalakad na labas sa kanyang tungkulin bilang player, official o staff ng isang team, agad itong ipatatawag ng PBA management para magpaliwanag.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with