_ngayon
^
Blazers itinulak sa alanganin ang Lakers
CJ McCollum
RON HOSKINS / NBAE / AFP

Blazers itinulak sa alanganin ang Lakers

(Pilipino Star Ngayon) - May 9, 2021 - 12:00am

PORTLAND, Ore., Philippines — Itinulak ng Trail Blazers ang nagdedepensang Los Angeles Lakers sa unti-unting pagkahulog sa iniiwasang play-in tournament.

Kumamada si Damian Lillard ng 38 points para akayin ang Trail Blazers sa 106-101 panalo sa Lakers at angkinin ang tiebreaker sa agawan nila sa puwesto sa Western Conference playoffs.

Nagdagdag si CJ McCollum ng 21 points para sa pag-akyat ng Portland (38-29) sa No. 6 spot sa West at ipinalasap ang ikalawang sunod na kabiguan ng Los Angeles (37-30).

Pinamunuan ni Anthony Davis ang Lakers sa kanyang 36 points at 12 boards habang hindi naglaro si LeBron James sa ikatlong sunod na pagkakataon.

Sa Salt Lake City, humataw si Bojan Bogdanovic ng career-high 48 points at may 21 markers si Fil-Am Jordan Clarkson sa 127-120 panalo ng Utah Jazz (49-18) sa Denver Nuggets (44-23).

Sa Phoenix, umiskor si Deandre Ayton ng 26 points sa 128-105 pagtusta ng Suns (48-19) sa New York Knicks (37-30) sa asam na maagaw ang top record sa NBA.

Sa Milwaukee, tumapos si Brook Lopez na may 24 points para akayin ang Bucks (43-24) sa 141-133 pagdaig sa Houston Rockets (16-51).

TRAIL BLAZERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with