_ngayon
^
PBA puwedeng mag-training at Mag-scrimmage sa NCR?
PBA commissioner Willie Marcial
STAR/ File

PBA puwedeng mag-training at Mag-scrimmage sa NCR?

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - May 9, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umaasa ang pamunuan ng PBA na makakapag-ensayo ang mga teams sa Metro Manila o kalapit probinsiya sakaling ibaba na sa General Community Quarantine (GCQ) o Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang NCR plus bubble.

Ito ang lilinawin ni PBA commissioner Willie Marcial sa oras na makipagpulong ito sa mga kinatawan ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Pinayagan na ng IATF na makapagsagawa ng training at scrimmages ang mga PBA teams sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ at MGCQ areas.

Kasalukuyang nasa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang NCR plus bubble na binubuo ng Metro Manila, Rizal, Laguna, Cavite at Bulacan.

Matatapos ang MECQ sa Mayo 14 kung saan umaasa si Marcial na babalik sa mas magaan na GCQ o MGCQ ang NCR plus bubble dahil bahagyang bumaba na ang bilang ng mga tinatamaan ng coronavirus disease kumpara noong nakaraang buwan na pumalo sa mahigit 15,000 ang nagkakasakit ngunit kailangan muna itong linawin ni Marcial sa IATF.

“Iyon ang ikaklaro ko. Kunwari binaba na sa GCQ ang Metro Manila, puwede na ba sa Metro Manila? Or puwede na ba sa Rizal? ‘Pag puwede ‘yung dalawa na ‘yun, malamang dun tayo magpa-practice,” ani Marcial.

Gayunpaman, sakaling hindi pumayag ang IATF, tuloy ang plano ng PBA na magsagawa ng training at scrimmages sa labas ng NCR plus bubble partikular na sa Batangas City, Ilocos Norte, Subic at Clark.

Galing ang PBA group sa Batangas noong Biyernes kung saan binisita nila ang Batangas City Coliseum, Lyceum of the Philippines University-Batangas at Batangas State University na pagdarausan ng mga ensayo.

Sakaling maging maayos ang lahat sa training at scrimmages, sinabi ni  Marcial na posibleng dito na rin isagawa ang PBA Season 46 Philippine Cup.

“Itong Batangas, pinrepara lang natin kung papano, malay niyo dito tayo mag-practice, baka maglaro pa. Pero as of now scrimmages pa lang, hinahanda lang natin ang options natin na puwede pag-praktisan,” ani Marcial.

Hindi na bago ang PBA sa mga nabanggit na venues dahil madalas na itong pinagdarausan ng mga out-of-town games ng liga noon.

NCR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with