_ngayon
^
Masaya si Diaz na may papalit na sa kanya sa weightlifting
Hidilyn Diaz
STAR/ File

Masaya si Diaz na may papalit na sa kanya sa weightlifting

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - May 9, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Masaya si Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz sa pag-usbong ng mga bagong talento sa weightlifting.

Kabilang na rito si Vanessa Sarno na kumana ng dalawang ginto sa Asian Championships na ginanap sa Tashkent, Uzbekistan noong Abril.

Sa edad na 17-anyos, nagawa ni Sarno na maki-pagsabayan sa matitikas na weighlifters sa rehiyon.

Pinaniniwalaang ito ang susunod sa yapak ni Diaz sa mga susunod na taon.

“Sobrang deserving siya sa tagumpay niya dahil pinaghirapan niya ‘yan sa training,” ani Diaz.

Para kay Diaz, hindi maaaring ikumpara si Sarno sa kanya.

Sa halip, gumagawa si Sarno ng sarili nitong pa-ngalan base sa kanyang pagsisikap.

Kaya naman saludo si Diaz sa tagumpay ni Sarno dahil nakita niya ang pagsisikap nito sa ensayo.

“Si Hidilyn Diaz nandyan na. Vanessa Sarno is Vanessa Sarno. Ayokong sabihin na siya ang susunod sa akin dahil alam ko ang kakayahan niya, mas malalampasan pa niya ‘yung narating ko,” ani Diaz.

Umaasa si Diaz na marami pang Vanessa Sarno ang madidiskubre ng Samahang Weightlifting ng Pilipinas para sa mga darating na international competitions.

Isang magandang paraan nito ang malakas na grassroots development program para makatuklas ng bagong talento.

“Sana maisama ‘yung weightlifting sa Palarong Pambansa para mas marami pa tayong madiskubre, mabigyan ng scholarship at maabot ang pangarap nila na maging tulad ko o mas better pa sa akin,” dagdag ni Diaz.

HIDILYN DIAZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with