_ngayon
^

Fil-Am Martin susubok sa NBA Draft

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - May 9, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kumpirmado na ang pagsabak ni Filipino-American Remy Martin sa NBA Draft.

Idineklara ni Martin sa social media ang kanyang desisyon na lumahok sa taong ito para ipagpatuloy ang kanyang pangarap na makapaglaro sa NBA.

“Guys, I just want to let you guys know that I am extremely grateful for the four years that you guys have been supporting me. I just want to let you guys know that I will be pursuing my NBA dreams,” ani Martin.

Apat na taon ding nag-laro si Martin para sa Arizona State Sun Devils sa NCAA. Nagtala ito ng impresibong ave-rages na 19.1 points, 3.7 assists, 2.8 rebounds at 1.2 steals kada-laro sa kanyang final year sa Sun Devils.

Ginawaran pa ito ng Bill Kajikawa Award.

Nagpasalamat si Martin sa pamunuan ng Arizona State pati na ang kanyang mga coaches at teammates na nakasama sa team.

NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with