_ngayon
^

Philippines SEAG team sana’y payagan na ring mag-training – Ramirez

Russel Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - May 9, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naniniwala ang Philippine Sports Commission (PSC) na mabibigyan ng ‘green light’ ng Inter-Agency Task Force (IATF) ngayong buwan ang pagbabalik-ensayo ng mga national athletes.

Hindi magamit ng mga atleta ang mga training venues sa Rizal Memorial Sports Complex at Ninoy Aquino Stadium sa Manila at PhilSports Complex sa Pasig City para sa preparasyon sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Nobyembre dahil ginawa itong quarantine facilities ng IATF para sa mga pasyente ng coronavirus disease (COVID-19).

“Malamang baka anytime this May baka mag-start na iyong training nila para sa Hanoi (SEA Games),” wika ni Ramirez sa PSC Hour program. “Ready na iyong mga lugar except iyong tatlong mala-laking gym natin.”

Itataya ng Team Philippines ang overall cham-pionship sa 2021 Vietnam SEA Games na nakatakda sa Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2.

Pinaghahandaan din ng mga national athletes ang 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

Pinayagan kamakalawa ng IATF ang training at scrimmage ng mga PBA teams sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) at Modified GCQ.

Nauna nang hinikayat ni PSC Commissioner at Chef De Mission Ramon Fernandez ang mga Local Government Units (LGUs) na tulungan ang mga national teams na lalahok sa Vietnam SEA Games.

IATF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with