_ngayon
^
2-golfers may tsansa rin sa Olympics
Yuka Saso
Released

2-golfers may tsansa rin sa Olympics

Russel Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - May 8, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kung mapapanatili nina national lady golfers Yuka Saso at Bianca Pagdanganan ang kanilang Olympic Golf Rankings sa International Golf Federation (IGF) ay tuluyan na nilang maibubulsa ang Olympic Games berth.

Sa reallocation reserve list for women ng IGF ay nasa No. 22 ang 19-anyos na si Saso habang nakapuwesto ang 23-gulang na si Pagdanganan sa No. 43.

Ang top 60 players sa buong mundo – dalawang golfers lang bawat bansa – sa men’s at women’s division ang makakapaglaro sa 2021 Olympics sa Tokyo, Japan sa Hulyo 23-Agosto 8.

Ayon sa National Golf Association of the Philippines (NGAP), nakatakda ang Olympic qualification deadline ng golf sa Hunyo 22.

Muling isinama ang golf competition sa sports calendar ng Olympics noong 2016 sa Rio de Janeiro, Brazil kung saan sumabak si Pinoy bet Miguel Tabuena sa men’s category.

Nakalatag sa Olympic golf event ang dalawang gold medals sa men’s at women’s individual competition.

Kasalukuyang kumakampanya si Saso sa Japan LPGA Tour kung saan siya kumuha ng dalawang titulo sapul nang maging professional golfer noong nakaraang taon.

Naglalaro naman si Pagdanganan sa US LPGA at lumahok sa nakalipas na Women’s PGA Championship sa Pennsylvania.

Mayroon nang Olympic ticket sina 2016 Rio de Janeiro weightlifting silver medalist Hidilyn Diaz, pole vaulter Ernest John Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo at boxers Eumir Felix Marcial, Irish Magno, Nesthy Petecio at Carlo Paalam.

YUKA SASO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with