_ngayon
^
FIBA Asia Cup pinayagan na
Al Panlilio
STAR/ File

FIBA Asia Cup pinayagan na

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - May 8, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tuloy na tuloy na ang pagdaraos ng FIBA Asia Cup Qualifiers sa Hunyo 16 hanggang 20 sa isang full bubble setup sa Clark, Pampanga.

Ito ay matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang kahilingan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para sa third window ng qualifiers.

“The IATF has approved the request of the Samahang Basketbol ng Pilipinas to host the FIBA Asia Cup Qualifiers in June under a bubble-type setting in Clark, Pampanga subject to health and safety protocols,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Preparado na ang SBP para sa hosting kaya’t malaki ang pasasalamat nito sa IATF sa pagbibigay ng konsiderasyon sa FIBA -ACQ na gaganapin sa Angeles University Foundation Sports & Cultural Center.

“The Samahang Basketbol ng Pilipinas thanks the IATF for approving our hosting of the final window of the FIBA Asia Cup Qualifiers from June 16 to 20 in Clark, Pampanga,” ani SBP president Al Panlilio.

Maliban sa IATF, nagpasalamat din ang SBP sa Philippine Sports Commission at kay Deputy Chief Implementer of the National Task Force Against COVID-19 Vince Dizon.

“We extend our appreciation to PSC President Butch Ramirez and Deputy Chief Implementer of the National Task Force Against COVID-19 Vince Dizon for all their help throughout this process,” ani Panlilio.

Dalawang bansa ang nagkumpirma na hindi dadalo sa third window – ang Malaysia at New Zealand – habang pinag-aaralan pa ng Australia kung magwi-withdraw din ito.

FIBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with