_ngayon
^

Mas OK mag-training si Marcial sa Zamboanga— Gibbons

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - May 8, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mas makabubuti kay Tokyo Olympics-bound Eumir Marcial na mag-training sa Zamboanga sa pananaw ni MP Promotions chief Sean Gibbons dahil kasama nito ang isang solidong team sa kanyang training camp.

Kasama pa rito ang pagkakataong maging malapit sa mga mahal nito sa buhay na ilang buwan din niyang hindi nakasama matapos mag-ensayo sa Amerika.

Puspusang ensayo ang ginagawa ngayon ni  Marcial kasama si coach Gerson Nietes na hiniling niya sa Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) para maging personal trainer.

Nagdesisyon din ang MP Promotions na pabalikin sa Pilipinas sina International Boxing Federation (IBF) super flyweight champion Jerwin Ancajas, trainer Joven Jimenez at Jonas Sultan para makatulong sa ensayo ni Marcial.

Bukod pa rito ang maayos na training facility na ginagamit ni Marcial-- ang Valiente MLV gym na pag-aari ni Junnie Navarro. Kaya naman para kay Gibbons, wala itong nakikitang problema sa desisyon ni Marcial na magsanay sa Zamboanga.

“It’s a team decision that was planned and organized. Jerwin, Joven and Jonas are there to help out so I think it’s perfect,” ani Gibbons.

Bago bumalik sa Pilipinas, sumailalim sa puspusang pagsasanay si Marcial sa Wild Card Gym kasama ang mga beteranong trainers na sina Freddie Roach at Justin Fortune.

Mahigit 500 rounds ng sparring ang pinagdaanan nito laban sa mga mahuhusay na boxers sa kanyang dibisyon kaya’t malayo layo na ang narating ng pagsasanay ni Marcial para sa Olympics.

GIBBONS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with