_ngayon
^

Clippers umakyat sa No. 3

(Pilipino Star Ngayon) - May 8, 2021 - 12:00am

LOS ANGELES - Umakyat ang Clippers sa No. 3 spot sa Western Conference playoff race matapos patumbahin ang nagdedepensang Lakers, 118-94 tampok ang 24 points ni Paul George.

Pito pang players ang umiskor ng double figures para sa Clippers (45-22) na nasa ilalim ngayon ng Utah Jazz (48-18) at Phoenix Suns (47-19) kasunod ang Denver Nuggets (44-22).

Nagtala si Kawhi Leo-nard ng 15 points, 8 rebounds at 6 assists para sa Clippers na hindi pinagalaw ang Lakers sa No. 6 spot.

Binanderahan ni Kyle Kuzma ang LeBron James less-Lakers sa kanyang 25 points habang hindi natapos ni Anthony Davis ang laro nang magkaroon ng back spasm.

Sa Dallas, umiskor si Luka Doncic ng 24 points kasunod ang 23 markers ni Tim Hardaway Jr. para sa 113-109 panalo ng Mavericks (38-28) sa Brooklyn Nets (43-24) at pumuwesto sa No. 5 sa Western Conference.

Sa Indianapolis, tumipa si Caris LeVert ng 31 points sa 133-126 pagdaig ng Indiana Pacers (31-35) sa Atlanta (37-31) para upuan ang No. 9 spot sa East.

Sa San Francisco, humataw si Stephen Curry ng 34 points para pamunuan ang 118-97 tagumpay ng Golden State Warriors (34-33) sa Oklahoma City Thunder (21-46) at kunin ang No. 8 seat sa West.

Sa Tampa, Florida, nagtala si Bradley Beal ng 28 points at itinala ni Russell Westbrook ang kanyang ika-34 triple-double sa season sa 131-129 overtime win ng Washing-ton Wizards (31-36) sa Toronto Raptors (27-40).

Sa Detroit, umiskor sina Wayne Ellington at Cory Joseph ng tig-18 points sa 111-97 pagsagasa ng Pistons (20-47) sa Memphis Grizzlies (33-33).

PAUL GEORGE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with