_ngayon
^

Maganda ang samahan nina Rondina at Pons

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - May 8, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magandang samahan sa loob at labas ng court ang susi nina Sisi Rondina at Bernadeth Pons sa magandang resultang nakukuha nila sa mga beach volleyball tournaments.

Ayon kay Rondina, malaki ang naitutulong ng solidong samahan partikular na sa beach volleyball upang makagawa ng game plan sa loob ng court.

“‘Yung partnership namin ‘yun ang importante. Matagal-tagal na rin kaming magkasama kaya sanay na kami sa galaw namin sa loob ng court. Nagkakaintindihan na agad kami,” ani Rondina.

Ipinunto ni Pons ang pagiging magkaibigan ng dalawa sa loob at labas ng court. “Halimaw ‘yan sa court pero sobrang bait niyan sa labas ng court,” aniya.

Nagsimula sina Rondina at Pons sa mundo ng volleyball bilang magkaribal.

Madalas na nagkikita ang dalawa sa Palarong Pambansa noong nasa high school pa lamang sila.

Nadugtungan ang rivalry nina Rondina at Pons sa UAAP.

Bahagi si Rondina ng University of Santo Tomas habang nasa Far Eastern University naman si Pons.

Ngunit tila nakalinya ang mga bituin sa langit para maging magkatropa sina ang dalawa dahil naging magkasama sila sa commercial league sa ilalim ng Petron Blaze Spikers team.

Makailang ulit na nagkampeon sina Rondina at Pons sa Philippine Superliga Beach Volleyball Challenge.

Nadagdagan pa ito nang magpares sila sa 2019 Southeast Asian Games kung saan nakuha nila ang tansong medalya kasama sina Dzi Gervacio at Dij Rodriguez.

“Mas lumalim pa ‘yung partnership namin sa loob ng court at pagiging magkaibigan namin sa labas ng court. Sobrang importante nun kapag sa isang event tulad ng beach volleyball. ‘Yung communication namin madali lang,” ani Rondina.

SISI RONDINA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with