_ngayon
^
76ers nangunguna pa rin sa East
Kelly Olynyk
STAR/ File

76ers nangunguna pa rin sa East

(Pilipino Star Ngayon) - May 7, 2021 - 12:00am

HOUSTON, Philippines — Kumamada si Joel Embiid ng 34 points sa loob ng 25 minuto para banderahan ang Philadelphia 76ers sa 135-115 pagpapabagsak sa  wala nang pag-asa sa playoffs na Rockets.

Ito ang ikaanim na sunod na ratsada ng 76ers (45-21) para patuloy na pangunahan ang Eastern Conference at ipalasap sa Rockets (16-50) ang pangatlong dikit na kabiguan.

Sa pagbibida ni Embiid ay kinuha ng Philadelphia ang 97-78 abante sa pagsisimula ng third period patungo sa 123-99 pagbaon sa Houston sa huling pitong minuto ng fourth quarter.

Pinamunuan ni Kelly Olynyk ang Rockets sa kanyang 27 points at nagdagdag si rookie KJ Martin ng career-high 23 markers.

Sa Salt Lake City, kumamada si Fil-American guard Jordan Clarkson ng 30 points at may 24 markers si Bojan Bogdanovic sa 126-94 pagbugbog ng Utah Jazz (48-18) sa San Antonio Spurs (31-34).

Muling napasakamay ng Jazz (48-18) ang No. 1 spot sa NBA at sa Western Conference standings.

Sa Milwaukee, nalampasan ng Bucks (42-24) ang pagkaka-foul out ni Giannis Antetokounmpo sa huling 1:24 minuto ng laro sa 135-134 paglusot sa Washington Wizards (30-36).

Sa Atlanta, umangat ang Hawks (37-30) sa No. 5 sa East standing matapos iposte ang 135-103 tagumpay sa Phoenix Suns (47-19).

JOEL EMBIID
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with