_ngayon
^
LVPI pinasosoli sa FIVB ang $80K
Joey Romasanta
STAR/ File

LVPI pinasosoli sa FIVB ang $80K

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - May 7, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hiniling ng Larong Volleyball sa Pilipinas (LVPI) sa International Volleyball Federation (FIVB) na isauli ang ibinigay nitong $80,000 na kapalit ng pagkilala sa LVPI bilang opisyal na national sports association sa Pilipinas.

Muling nagpadala ng sulat si LVPI president Joey Romasanta sa FIVB bilang follow-up sa nauna nitong liham noong Enero 12, 2021 para maibalik ang perang ibinigay nito sa world governing body noong 2015.

“The LVPI was able to comply and honor its obligation commensurate to a perfected contract in which we deemed proper to rectify the injustice done to LVPI by FIVB,” ani Romansanta sa sulat.

“The non-refund of FIVB imposed $80,000 and the other expenses incurred will further add to the unfairness we suffered in supporting the programs in upgrading Philippine volleyball as well as AVC and FIVB events,” dagdag nito.

Ang naturang halaga ang naging daan para ibigay ang full recognition sa LVPI na noon ay karibal ng Philippine Volleyball Federation.

Kamakailan lamang ay ibinigay ng FIVB ang recognition nito sa bagong tatag na Philippine National Volleyball Federation (PNVF) kung saan parehong tinanggalan ng pagkilala ang LVPI at PVF.

Kaya nag-demand ang LVPI na isauli ng FIVB ang $80,000 na ibinayad nito sa mga pagkakautang ng Pilipinas sa world body. Nagbanta ang LVPI na gagawa ito ng legal na aksiyon sa oras na hindi ito maisauli ng FIVB

LVPI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with