_ngayon
^

Nagbunga ang lahat ng pagsisikap ni Alyssa Valdez

Mae Balbuena (Pilipino Star Ngayon) - May 7, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Noon, isa lamang si Alyssa Valdez sa mara-ming kabataan na na-ngarap na maging isang mahusay na atleta.

Sa kabila ng maraming  pagsubok, naging matibay na armas ni Valdez ang determinasyon nito kalakip ang matinding pagsisikap at pagtitiyaga. Malaki rin ang naging bahagi ng disiplina at tiwala sa mga taong naniniwala sa kanyang kakayahan.

“Staying consistent-- every single day I still give my best, still listen to my coaches and treat myself like a rookie every training,” ani Valdez. “I get up every morning because I love the sport and respect it. Because of the people who believe in me and because volleyball is a big part of my life,” ani Valdez.

Maganda ang resulta ng lahat ng pagsisikap ni Valdez na isa na sa mga tinitingala hindi lamang sa mundo ng volleyball maging sa buong sports community sa bansa-- pinakamaningning na volleyball player ika nga.

Hindi na mabilang ang kampeonato na naibigay nito sa kanyang mga naging team noong high school sa University of Santo Tomas, college sa Ateneo de Manila University at sa commercial leagues sa Creamline Cool Smashers. Makailang ulit ding bumandera si Valdez sa national team sa iba’t ibang international tournaments gaya ng Southeast Asian Games at Asian Championships.

Dahil sa angking ga-ling, kaliwa’t kanan na ang Most Valuable Player (MVP) awards na hinakot nito bukod pa sa individual awards na Best Attacker, Best Server at Best Scorer trophies.

“Being part of the Milo Family, I’ve learned the importance of teamwork. Teamwork is something that you can’t just learn in the four corners of the classroom,” ani Valdez. “That’s why, I admire how Milo’s sport programs help in building champion athletes. Patuloy na suporta at tiwala ang ibinigay sa’kin ng Milo. Because of that, I gained self confidence to continue and achieve my champion journey with Milo,” wika pa ni Valdez.

ALYSSA VALDEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with