^

PSN Palaro

Pacquiao may kausap na uli

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pacquiao may kausap na uli
Manny Pacquiao
Manny Pacquiao FB Page

MANILA, Philippines — Matapos gumuho ang plano sanang laban kontra kay World Boxing Organization (WBO) welterweight champion Terence Crawford, balik sa negosasyon ang kampo ni Manny Pacquiao para sa kanyang susunod na laban.

Mismong si Pacquiao na ang nagkumpirma na may gumugulong na negosasyon para tuluyan nang maikasa ang kanyang pagbabalik-aksiyon.

Ngunit tumanggi si Pacquiao na magbigay ng eksaktong detalye para hindi ito maudlot.

Nais rin ng eight-division world champion na ang Paradigm Sports ang mag-anunsiyo dahil ito ang humahawak sa kanyang boxing career.

“The negotiations are ongoing. I will not go into details so that there will not be any problems,” ani Pacquiao na wala ring inihayag pa na detalye sa usaping pagreretiro.

“We won’t answer that for now, because that is part of the negotiations. That will be included in the announcement,” dagdag ng Pinoy champion.

Balik sa hot spot si dating world champion Mikey Garcia na posibleng makaharap ni Pacquiao.

Nauna nang naglabas ng teaser ang business manager ni Pacquiao na si Arnold Vegafria sa kaniyang Instagram account para sa Pacquiao-Garcia fight. Napaulat na sa Agosto ito target ganapin kung saan mananatiling sa Dubai, United Arab Emi-rates ang target na maging venue ng laban.

Ngunit hindi rin isinasantabi ni Pacquiao ang posibilidad na sa Amerika ito ganapin.

Walang magawa ang boxing community kundi ang maghintay sa magi-ging anunsiyo ng kampo ni Pacquiao.

vuukle comment

WBO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with