^

PSN Palaro

De Los Santos sinikwat ang 16th gold

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patuloy ang pamamayagpag ni Orencio James De Los Santos nang masikwat nito ang gintong medalya sa third leg ng Budva Winner Adria Cup eTournament kahapon.

Gaya ng dati, isang solidong performance ang ipinamalas ni De Los Santos upang pataubin si Alfredo Bustamante ng Amerika sa finals sa iskor na 25.1-24.0.

Umabante sa finals si De Los Santos nang gapiin nito sa semis si Domont Matias Moreno ng Switzerland.

Ito ang ika-16 gintong medalya ni De Los Santos sa taong ito at ika-52 sa kabuuan sa online tournament sapul nang sumali ito noong nakaraang taon.

Ngunit hindi naman parating Pasko para kay De Los Santos nang magkasya lamang ito sa pilak na medalya sa Adidas USA Karate Open noong nakaraang linggo.

Gayunpaman, nana-natiling malayo ang agwat nito sa world ranking laban sa kanyang mga karibal.

Nasa No. 1 spot si De Los Santos tangan ang 26,695 puntos habang nasa malayong ikalawa si Moreno na may 14,415 puntos at ikatlo naman si Bustamante na may 10,675 puntos.

vuukle comment

ORENCIO JAMES DE LOS SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with