_ngayon
^

PSN Palaro

Barangay Ginebra may bagong jersey

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Barangay Ginebra may bagong jersey

MANILA, Philippines — Excited na ang buong Barangay Ginebra fans sa bagong jersey na ipaparada ng Gin Kings sa pagbubukas ng PBA Season 46 Philippine Cup.

Inilantad ng Ginebra ang bagong jersey nito sa isinagawang presentasyon sa Facebook live ng Gin Kings.

Kasama sa mga nag-model ng bagong jersey sina Scottie Thompson, Mark Caguioa, Stanley Pringle, LA Tenorio at Japeth Aguilar.

“Sobrang excited kami para ipakita sa fans ‘yung bagong jersey namin. Ito na ‘yung gagamitin namin next season. We believe that with One Ginebra Nation, walang ka-Barangay na maiiwan,” ani Thompson.

Gamit ng Gin Kings ang kulay pula at puti para sa dark at light color nito bawat laban na karaniwan nang kulay ng Ginebra sapul nang sumabak ito sa liga.

Sa pagkakataong ito, mas mabagsik ang dating ng bagong jersey dahil sa mga notasyon na nakasulat dito.

Ang bagong set ng jersey ay nagtatag-lay ng “One Ginebra Nation” sa ilalim ng number sa harap nito.

Sa likod ng jersey, makikita naman ang “Bagong Tapang” na patunay na handang-handang makipagbakbakan ang Gin Kings sa paparating na season.

Masaya ang Gin Kings na ipakita ang bagong mukha ng jersey ngunit nananatili ang iisang harangin na ma-ging matagumpay sa darating na season partikular na ang pagdepensa sa Philippine Cup crown.

“Sa panahon ngayon, kailangan natin ang bagong tapang,” ani Caguioa.

Kani-kanya naman ng opinyon ang buong kabarangay na lubos din ang kasiyahan sa bagong jersey ng kanilang paboritong tropa.

Tumanggap ng kaliwa’t kanang papuri ang Gin Kings mula sa milyong tagahanga nito dahil muling madaragdagan ang kanilang memorabilia na kinokolekta.

BARANGAY GINEBRA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with