^
Phoenix Suns nakaligtas
Joel Embiid
ZACH BEEKER / NBAE

Phoenix Suns nakaligtas

(Pilipino Star Ngayon) - April 23, 2021 - 12:00am

PHILADELPHIA, Philippines —  Ibinato ni center Joel Embiid ang isang 85-foot (halfcourt), right-handed shot na pumasok ngunit lumuwa ng ring na nagresulta sa 116-113 paglusot ng Phoenix Suns sa 76ers.

Umiskor si guard Chris Paul ng 28 points habang may 19 at 18 markers sina Devin Booker at Mikal Brid-ges, ayon sa pagkakasunod, para sa Phoenix (42-16).

Tumapos naman si Embiid na may 38 points at 17 rebounds sa panig ng Philadelphia (39-19) at naglaro na wala sina starters Ben Simmons (unspecified illness) at Tobias Harris (right knee).

Isang free throw ang naipasok ni Paul para sa Suns, habang naimintis ni Embiid ang kanyang triple sa panig ng 76ers sa pagtunog ng final buzzer.

Sa Houston, humataw si Fil-American guard Jordan Clarkson ng 22 points at may 21 markers si Joe Ingles para pamunuan ang NBA-leading Utah Jazz (44-15) sa 112-89 pagpapatumba sa Rockets (15-44).

Sa Los Angeles, nagpasabog si Luke Kennard ng season-high 28 points para akayin ang Clippers (42-19) sa 117-105 tagumpay sa Memphis Grizzlies (29-28).

Sa Tampa, Florida, tumipa si Pascal Siakam ng 27 points kasunod ang 25 markers ni OG Anunoby sa 114-103 paggupo ng Toronto Raptors (25-34) sa Brooklyn Nets (39-20).

Sa Los Angeles, kumamada si Luke Kennard ng season-high 28 points para ihatid ang Clippers (42-19) sa 117-105 panalo sa Memphis Grizzlies (29-28).

Sa San Antonio, nagposte si Bam Adebayo ng 23 points at may 18 markers si Jimmy Butler sa 107-87 pagtusta ng Miami Heat (31-28) sa Spurs (28-29).

JOEL EMBIID
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with