^
Kai Sotto magpapahinog muna
Kai Sotto
STAR/ File

Kai Sotto magpapahinog muna

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - April 23, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magpapahinog muna si Kai Sotto sa National Basketball League (NBL) ng Australia bago sumalang sa NBA Draft sa mga darating na taon.

Isa sa dahilan ng pagpasok ni Sotto sa NBL ang eligibility nito sa 2021 NBA Draft.

Base sa patakaran ng draft, hindi pa maaaring agad na lumahok ang sinumang high school student na kaga-graduate pa lamang.

Kailangan pa nitong maghintay ng isang taon bago maging opisyal na aplikante sa NBA Draft.

Kamakailan lamang nagtapos si Sotto ng kaniyang secondary education sa The Miami School sa Hamilton, Ohio kaya hindi pa ito kwalipikadong mag-apply para sa NBA Draft.

Sa 2022 pa maaaring makalahok ang 7-foot-3 Pinoy cager base sa rules ng liga.

Kaya naman pumirma muna ng tatlong taong kontrata si Sotto sa Ade-laide 36ers kung saan may option itong kumalas sa kanyang ikatlong taon o maaring ipagpatuloy ang kontrata nito.

Malaking tulong ang pagsabak nito sa NBL upang mas lalo pang mahasa ang kanyang talento bago sumabak sa mas matinding bakbakan sa NBA.

Dahil sa taas ng kumpetisyon dito, isa ang NBL sa mga dinadaanan ng ilang players na nagnanais lumahok sa NBA.

Ayon kay Bell Sports president Joe Bell na isang NBA agent, kung natuloy sana si Sotto sa NBA Draft, ilang NBA teams na ang nagnanais kunin ang serbisyo nito.

Ngunit hindi na pina-ngalanan ni Bell ang mga NBA teams na interesado sa talento ng Pinoy player.

“As his NBA agent, I had talks with several teams, and he was going to be drafted. Several teams had said they were going to draft him,” ani Bell.

Sa ngayon, walang ibang nasa isip si Sotto kundi ang tulungan ang Adelaide 36ers sa NBL gayundin ang pagsama nito sa Gilas Pilipinas sa ilang FIBA tournaments na nakalinya.

Burado na muna sa isipan ni Sotto ang naudlot na NBA G League stint nito.

NBL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with