^

Marcial sasamahan ang Philippine boxing team

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - April 23, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Balik Pilipinas na si Eumir Marcial upang makasama ang national boxing team sa paghahanda para sa Tokyo Olympics na idaraos eksaktong tatlong buwan mula ngayon.

Kasamang bumalik ng Pilipinas ni Marcial sina reigning International Boxing Federation (IBF) super flyweight champion Jerwin Ancajas.

Bilang bahagi ng health protocols, sumasailalim pa sina Marcial at Ancajas sa 14 day quarantine period bago tuluyang makasa-lamuha ang mga mahal nila sa buhay.

Sinariwa ni Marcial ang ilang buwang training nito sa Amerika na itinuturing nitong malaking tulong sa kanyang tangkang masungkit ang gintong medalya sa Tokyo Olympics.

Nakasama ni Marcial sa training sa Los Angeles, California sina Hall of Famer Freddie Roach at strength and conditioning expert Justin Fortune.

“Sobrang laking tulong ng training camp ko sa US kaya thankful ako sa MP Promotions dahil tinutulungan nila ako sa dream ko na makuha ‘yung gold (sa Olympics),” ani Marcial.

Matindi ang pinagdaanan ni Marcial sa Amerika.

Sumailalim ito sa ilang serye ng sparring sessions kabilang na kina light heavyweight Israel Duffus ng Panama, middleweight Petr Khamukov ng Russia at super middleweight Aidos Yerbossynuly ng Kazakhstan.

Halos mapatumba pa ni Marcial si Khamukov sa isang sesyon nito-- bagay na lalong nagpakita na malaki ang ipinagbago sa kilos at galaw ng Pinoy pug.

“That’s our goal-- the gold in Tokyo,” ani MP Promotions chief Sean Gibbons.

Bukod sa training sa Amerika, makakasama ni Marcial sa training camp at tournament ang national boxing team sa India na gaganapin sa susunod na buwan. Kasama dito sina world champion Nesthy Petecio, Southeast Asian Games gold medalist Carlo Paalam at Irish Magno na mga qualified na rin sa Tokyo Olympics.

EUMIR MARCIAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with