^
Olympic bets may parating nang bakuna
POC presi-dent Abraham ‘Bambol’ Tolentino
STAR/ File

Olympic bets may parating nang bakuna

Russel Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - April 21, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tatlong coronavirus di-sease (COVID-19) vaccines ang maaaring matanggap ng mga national athletes na sasabak sa 2021 Olympic Games sa Tokyo,Japan.

Ito, ayon kay POC presi-dent Abraham ‘Bambol’ Tolentino, ay magmumula sa gobyerno, kay International Container Terminal Services, Inc. (ICTSI) chairman at CEO Enrique Razon at sa sarili nilang POC vaccine task force.

“Kung alin iyong mauna sa tatlong iyon, doon na tayo. All available iyon, from the national, from Mr. Enrique Razon and from POC Task Force iyong pino-procure natin,” ani Tolentino kahapon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum online edition. “Definitely there will be (vaccines) for Tokyo-bound (athletes). Ang tanong lang, kailan darating iyong supply.”

Sa Hunyo inaasahan ni Tolentino mababakunahan ang mga Olympic qualifiers isang buwan bago ang nasabing quadrenniel event na nakatakda sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

Si weightlifter Hidilyn Diaz ang pinakabagong Pinoy athlete na nakasikwat ng Olympic berth para makasama sa Tokyo Games sina gymnast Carlos Edriel Yulo, pole vaulter Ernest John Obiena at boxers Eumir Felix Marcial, Irish Magno, Nesthy Petecio at Carlo Paalam.

Si Marcial, isa ring professional boxer, ay nabakunahan na sa United States.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with