^
PBA prayoridad ang bakuna
Willie Marcial
Jun Mendoza/File

PBA prayoridad ang bakuna

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - April 21, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bakuna para sa buong PBA family ang prayoridad bago simulan ang PBA Season 46 Philippine Cup.

Ito ang iginiit ng pamunuan ng PBA kung saan katuwang ng liga ang MVP at SMC groups para makasiguro ng sapat na vaccine para sa lahat.

“The aim is to vaccinate the whole PBA. The vaccination of the whole PBA family is the first order of the day. MVP and SMC groups offered vaccine doses. League also ordered from the Red Cross,” ani PBA Vice Chairman Bobby Rosales.

Ayon kay Rosales, sa oras na mabakunahan na ang lahat, magiging madali sa gobyerno na magdesisyon sa pagbibigay ng pahintulot na muling makapagsimula ang liga.

“If everybody is vaccinated, it would be easier for government to allow for the season to happen,” ani Rosales.

Nakatakdang maki-pagpulong si PBA commissioner Willie Marcial sa Inter-Agency Task Force (IATF) sa susunod na linggo upang alamin ang susundin nitong guidelines.

Makikipagtulungan din ang PBA kung paano maisasagawa ang vaccination program sa lahat ng miyembro ng liga.

“Comm. Marcial sche-duled to meet IATF next week what guidelines will they follow, and finding ways to expedite vaccination program of the PBA,” ani Rosales.

Nais ng PBA na masimulan ang vaccination program sa Mayo o Hunyo para agad na makapagsimula ang liga.

Magpapatupad naman ang liga ng 20 porsiyentong salary cut kung saan tatamaan nito ang mga players, coaches, assistants at personnel.

Ligtas naman sa salary cut ang mga utility workers.

“It’s about time na kami ay magbigay ng kontribusyon sa team owners, sa liga na sinuportahan kami for 16 months. May mga kumpanya na nagtatanggal ng trabahador, pero tayo ‘di nagtanggal,” ani Marcial.

Ngunit nilinaw ni Marcial na ibabalik sa 100 porsiyento ang mga suweldo sa oras na magsimula na ang scrimmages ng mga teams. “Oras na magsimula na ang scrimmages, balik sa 100% ang salaries,” ani Marcial.

Inihayag din ni Marcial na nag-alok si Ilocos Norte Gov. Matthew Manotoc para mag-host ng bubble.

Ngunit wala pang pinal na desisyon ang PBA kung muli itong gagamit ng bubble setup o itutuloy ang nauna nang planong semi-bubble.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with