^

Gretchen Ho MVPSF ambassador

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - April 21, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa kanyang ika-31 kaarawan, itinalaga si dating volleyball player Gretchen Ho bilang bagong ambassador ng Manny V. Pangilinan Sports Foundation (MVPSF)

Pormal nang inihayag ng MVPSF ang pagkuha kay Ho bilang bagong miyembro ng lumalaking pamilya ng foundation na pinasimulan ng business tycoon at sports Godfather na si Manny V. Pangilinan.

“Sports personality Gretchen Ho is now onboard with the MVP Sports Foundation as its ambassador #MVPSF #ParaSaAtleta #TungoSaGinto #Husay,” ayon sa anunsiyo ng MVPSF sa social media.

Isa sa kilalang personalidad si Ho sa volleyball community. Naging makulay ang collegiate career nito nang maging bahagi ito ng Fab Five ng Ateneo de Manila University sa UAAP.

Matapos ang limang taong paglalaro sa UAAP, nasilayan ito sa aksiyon sa Philippine Superliga kasama ang Petron Blaze Spikers kung saan kasama ito sa champion team noong 2014 Grand Prix at 2015 All-Filipino Conference. Naging bahagi rin ito ng Beach Volleyball Republic bilang co-founder.

Sa ngayon, abala na si Ho bilang miyembro ng media sa TV5 kung saan nasisilayan ito sa iba’t ibang programa.

GRETCHEN HO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with