^
Adebayo iniligtas ang Miami
Sumalaksak sa kaliwa si Adebayo at isinalpak ang kanyang 13-foot jumper sa pagtunog ng final buzzer para tulungan ang Heat na takasan ang Brooklyn, 109-107.
Carlos Goldman/NBAE via Getty Images/AFP

Adebayo iniligtas ang Miami

(Pilipino Star Ngayon) - April 20, 2021 - 12:00am

MIAMI — Inaasahang tatawag ng timeout si center Bam Adebayo subalit may iba siyang nasa isip.

Sumalaksak sa kaliwa si Adebayo at isinalpak ang kanyang 13-foot jumper sa pagtunog ng final buzzer para tulungan ang Heat na takasan ang Brooklyn, 109-107.

Tumapos si Adebayo na may 21 points at 15 rebounds para sa Heat (29-28) ni Fil-Am coach Erik Spoels-tra at wakasan ang kanilang three-game losing slide.

Nagdagdag si Goran Dragic ng 18 points at may 17 at 15 markers sina Kendrick Nunn at Trevor Ariza, ayon sa pagkakasunod, para sa Miami na iniwanan ng Brooklyn sa 105-99 sa huling apat na minuto ng fourth period.

Pinamunuan ni Landry Shamet ang Nets (38-19) sa kanyang 30 points at may 20 markers si Kyrie Irving, habang nagkaroon si Kevin Durant ng left thigh contusion sa third quarter.

Sa Los Angeles, umiskor si Paul George ng 23 points at nagtala si Kawhi Leonard ng 15 points, 11 rebounds at 8 assists sa 124-105 panalo ng Clippers (40-19) sa Minnesota Timberwolves (15-43).

Sa Atlanta, humataw si Trae Young ng 34 points at naglista si Clint Capela ng 25 points at 24 rebounds para sa 129-117 tagumpay ng Hawks (31-26) sa Indiana Pacers (26-30).

Sa New York, kumolekta si Julius Randle ng 33 points at 10 assists para pangunahan ang Knicks (31-27) sa 122-112 overtime win kontra sa New Orleans Pelicans (25-32).

Sa Dallas, nagposte si De’Aaron Fox ng 30 points at 12 rebounds at may 24 markers si Harrison Barnes para akayin ang Sacramento Kings (23-34) sa 121-107 pagupo sa Mavericks (30-26).

Sa Tampa, Florida, nagsumite si Chris Boucher ng 31 points at 11 boards para sa 112-106 pagpapak ng Toronto Raptors (24-34) sa Oklahoma City (20-37).

BAM ADEBAYO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with