^

PBA maraming options para sa Season 46

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - April 20, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maraming options na naglutangan para matagumpay na mairaos ang PBA Season 46 matapos itong maudlot dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Kaliwa’t kanan na ang nagsulputang posibleng maging sagot matuloy lamang ang season na makailang ulit nang na-postpone dahil sa community quarantine.

Ayon kay PBA commissioner Willie Marcial, may ilang local government units (LGUs) na ang nagpahayag ng intensiyon na maging host ng bubble para sa Philippine Cup.

Subalit hindi muna nito pinangalanan ang mga na LGUs dahil pinaplantsa pa ng liga ang lahat ng posibilidad bago maglabas ng desisyon.

“Kinausap nila ako na gusto nila (mag-host ng bubble),” ani Marcial.

Napaulat din na humihirit ang isang grupo na ganapin sa Dubai, United Arab Emirates ang liga.

Ang grupo ang parehong tumutulong sa PBA sa tuwing dumarayo ito sa Dubai para sa ilang basketball games.

Nangyari na ito noong 2019 nang bumisita ang Barangay Ginebra San Miguel, San Miguel Beer at NLEX para doon isa-gawa ang ilang laro ng Governors’ Cup.

Ginanap ang mga laro sa Coca-Cola Arena sa Dubai.

Sa katunayan, isa ang Dubai group sa mga nag-latag ng presentasyon noong nakaraang taon para sa PBA Season 45 Philippine Cup bubble.

Subalit mas pinili ng PBA ang Clark, Pampanga na mas malapit sa Maynila.

Hindi biro na dalhin ang liga sa labas ng bansa dahil dolyares ang kakailanganin para sa mga gastusin.

Bukod pa rito ang bilang ng mga taong dadalhin doon kung saan ang bawat koponan ay binubuo ng hindi bababa sa 20 katao-- players, coaches, officials at medical team.

COVID-19 PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with