^

Ancajas 2nd dose na ng bakuna

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - April 20, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — May nakaabang kay International Boxing Federation super flyweight champion Jerwin Ancajas sa Los Angeles, California ngayong nakabalik na ito matapos ang kanyang laban noong nakaraang linggo.

Babanatan na agad ito ng second dose ng vaccine para sa coronavirus disease (COVID-19).

Ipinagpaliban ang pagbabakuna ng second dose kay Ancajas noong Marso dahil nasa kasagsagan ito ng training para sa kanyang title defense kontra kay Mexican challenger Jonathan Rodriguez.

Kasama ni Ancajas na naturukan ng first dose noong Marso 3 sina Tokyo Olympics qualifier Eumir Marcial at trainer/manager Joven Jimenez.

Ngunit hindi na nakasama pa si Ancajas sa second dose dahil isang linggo na lamang bago ang laban nito kay Rodriguez. “Nag-decide kami na after ng laban na ‘yung second dose kasi mahirap na baka makaapekto sa akin. Finally after the fight, makukuha ko na ‘yung second dose,” ani Ancajas.

Matagumpay na nadepensahan ni Ancajas ang korona nito ngunit aminado ito na hindi siya kuntento sa kanyang naging performance.

Mahigit isang taon na hindi nakasalang sa boksing si Ancajas matapos makailang ulit na maudlot ang laban nito noong nakaraang taon dahil sa pandemya at hindi maiwasan na kalawangin ito.

“Maayos ang kondisyon ko during training namin pero nung actual fight, nakita ko ‘yung laban, ang sama ng kondisyon ko ang bagal ko,” ani Ancajas.

JERWIN ANCAJAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with