^

Abueva may bagong pasabog

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - April 20, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — May bagong pasabog si Magnolia Hotshots forward Calvin “The Beast” Abueva sa social media.

Ngunit hindi ito isang kontrobersiya kundi isang dance challenge sa kilalang app na TikTok.

Hindi lang halimaw si Abueva sa basketball court dahil may talento din ito sa pagsasayaw.

Nakisali na rin sa dance challenge si Abueva nang ipamalas nito ang kanyang galing sa pagsasayaw ng Skiri. Naka-post ang naturang video sa Instagram account ni Abueva.

Bahagi lamang ito sa mga ginagawa ni Abueva upang mapasaya ang mga fans niya na nasa loob ng kanilang tahanan dahil sa ipinatutupad na community quarantine sa bansa.

Nakaabang pa rin ang buong basketball community sa pagbubukas ng PBA Season 46 Philippine Cup na naudlot ang opening matapos ilagay sa Enhance Community Quarantine (ECQ) ang NCR plus bubble na kalaunan ay ibinaba sa Modified ECQ.

Pinaplantsa pa ng PBA kung kailan sisimulan ang season.

SOCIAL MEDIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with